HISTORY
Taong 1948 ng nagkaroon ng lindol sa Antique na nagdulot ng malaking kasiraan sa buong lupain, lalong lalo na ang mga lupang sinasaka ng mga tao kasama rito ang lupang pinamumunuan ni Mr. Lucio Bediores bilang pinuno ng sakada sa kanilang samahan.
Dahil sa ilan pang pagyanig ng lindol, nagsimula ang matinding kahirapan at kagutuman gayon din ang paglaganap ng epidemya. Upang maibsan ang matinding kahirapan at pagkagutom na kanilang nararanasan, noong Mayo 1949, nilisan nila Mr. Lucio Bediores kasama ng kanyang mga tauhan ang Antique at lumipat sa Palawan.
Ang unang lugar na kanilang pinuntahan at pansamantalang pinanirahan ay ang Barangay Apo-aporawan. Makalipas ang ilang buwan ay naghanap si Mr. Lucio Bediores ng pook na maaaring nilang maging tirahan habambuhay. Sa kanyang pagsusumikap ay kanyang natagpuan ang pook na kung tawagin nang nga mga katutubo ay Apoc-apoc.
Matapos masiyasat ang buong lugar ng Apoc-apoc, dinala ni Mr. Lucio Bediores sa pook na yaon ang kanyang pamilya kasama sina Moises Bediores, Benjamin Bediores, Florentino Bediores, Conrado Bediores, Hermenio Alabado Sr. at Rafael Ceriaco. Sila ang ating mga ninonung naghirap at nagpatulo ng maraming pawis upang maitatag ang Barangay Apoc-apoc at nakapagpatayo ng paaralang primarya ng Apoc-apoc
Taong 1961, sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Marciano Gregorio, nakapagtayo ng Barangay Hall at Health Center Building at nakapag-organisa rin ng samahang patubig na kanilang tinawag na NAWASA.
Taong 1964, sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Gabriel Bediores, muling nakapagpatayo ng paaralang primarya na ngayon ay school proper na at sa loob ng bakuran ng paaralang ito ay mayroong basketball court.
Naitayo din sa panahong ito ang isang portable water pump sa pamamagitan ng PIADP, gayundin ang dalawang (2) jetmatic pump.
Taong 1972, naitatag ang dalawang (2) simbahan na buhay magpahanggang ngayon. Una rito ay ang Roman Catholic Church, ikalawa ay ang United Church of Christ in the Philippines.
Taon 1982, sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Villamor F. Alabado, Sr. ay nakapagtayo ng isang bomba sa loob ng bakuran ng paaralang primarya. Sa pagkakataong ito ay nagkaroon ng Feeder Road ang Apoc-apoc papuntang Plaridel. Taong 1986, sa ilalim ng muling panunungkulan ni Ginoong Marciano Gregorio, walang proyektong napadagdag bagkus ang paglalaan lamang ng mga pundo pang maintenance sa lahat ng naging proyekto ng Barangay.
Barangay Profile 2023-2025
Barangay Captain: HON. EMMANUEL B. CATAGUE
Barangay Kagawad:
- HON. JAYSON G. BALBUTIN
- HON. RAFFY L. CARRERA
- HON. ROY D. VILLARUZ
- HON. RONALD B. DAVAO
- HON. ROSEMARIE D. ALABADO
- HON. JOEMARIE M. JUANITES
- HON. EMELLIO A. DEDASE
SK Chairman: HON. HAZIEL E. DINAMPO
No. of Household: 250
Population: 1176