Taong 1950, ang mga naunang tao sa Barangay Sagpangan ay sina: Ginoong Kilala, Bolante Nangcod, Fermin Mesoc, Gum-Gum Banques, at Rafael Ambang. Ang nagbigay ng pangalang Sagpangan ay ang Pamilyang Bolante na kung saan ay hango sa salitang Tagbanua na ang ibig sabihin ay “pinagtagpo”. Ang tawag na ito ay dahil sa pinagtagpo ang dalawang ilog ng Ibato at ilog Iraan. Tinawag itong labato dahil matatagpuan ang malaking bato sa ilog na ito at ang laki ng bato ay di pangkaraniwan. Iraan naman ang tawag sa ilog dahil ito ay pawing daanan ng mga tao patungong bukid upang doon maghanap-buhay.
Sa lugar na ito karamihan sa naninirahan ay pawing mga tribo ng Tagbanua. Ang kanilang pangunahing hanap-buhay ay pag-kakaingin, pag-babagtik at pagkuha ng katas mula sa pulot-pukyutan.